Monday, November 10, 2014
Kamusta?

Kamusta?
Iba pa din talaga dito sa blogdrive, simple lang at walang hassle. It feels like 2005 once again lalo na nung nag-log-in ulit ako dito, bumalik ang mga lumang alaala. Hehe! Tanong ko lang? Ilan pa kaya ang active dito? paramdam naman kayo oh.
Sa mga oras na ito ay nanunuod ako ng WCW Thunder 01-14-1999, 12:12 AM na! lunes na naman, malapit na ang birthday ko. Ang dami kong gustong gawin pero ang kaunti ng oras, gusto ko tapusin ang experimental project ko, gusto ko magbasa ng madaming libro, gusto ko manuod ng mga pelikula, gusto ko makinig ng mga music sa music library ko, gusto ko ipagpatuloy ang journal ko, yan ang mga naalala ko ngayon na gusto ko gawin sa buhay ko. Hindi ko talaga alam kung pano mag-manage ng time, nilalabanan ko ang social media sa pagiging hindrance nila sa mga gusto kong gawin. Speaking of social media, naglinis ako ng tumblr ko, naglinis din ako ng twitter at soon ang facebook. Binabawasan ko ang pagtambay sa facebook,twitter at tumblr kasi lalo lang ako nalulungkot sa buhay ko.
Ngayon lang ako natuto mag-ipon at nagkaron ng disiplina sa paghawak ng pera, para naman matuloy na ang pag-travel ko sa ibang lugar. Target ko sana next year bago ako lumagay sa tahimik. Malamang madami ka na napuntahan lugar no? buti ka pa.
Sana weekly na ako makapag-update ulit dito.
Usap naman tayo oh.
Next week, kwento ko naman ang dahilan kung baket nawawalan na ako ng pag-asa sa musical side ko.
Sige, hanggang dito na lang muna, next week na lang ulit.
Bye.



Posted at 12:05 am by dyeysi
May Reklamo Ka?  

Sunday, January 08, 2012
Depressing Sunday

Nasaan na kaya ang mga kaibigan ko dito sa blogdrive?
Wala lang, Bigla ko lang sila namiss kasi sila yung laging nakakaintindi sa mga kwento ko.
Iba na talaga ngayon parang lalong nagiging invisible na ako dito sa cyber world.
sa Facebook, everytime na magpopost ako ng status eh parang laging issue ang labas ko kaya ang ginagawa ko na lang eh nagtitweet na lang ako kaso parang nakikipagusap naman ako sa pader tapos sa tumblr naman dun ko pinopost ang mga artsy fartsy ko pero wala naman nakakaapreciate, nakakalungkot lalo.

pasok na naman bukas sa trabaho.



Posted at 08:20 pm by dyeysi
May Reklamo Ka?  

Wednesday, January 04, 2012
Homecoming

Finally...after five years ako ay nagbabalik dito sa blogdrive, kamusta? wala naman ako makwento, andito ako ngayon sa opis, pumupuslit lang. nung nawala ako dito ang daming nangyari syempre, lumipat ako sa iba't ibang social networking sites. nasira na din ang passion ko sa pagblog nung dumating ang microblogging, pero ngayon ako ay nagbabalik, gusto ko ulet yung ganitong way sa pagbablog, yung mga early days ko sa internet. sayang nga lang dahil na-delete ko yung unang unang blogsite ko dito dahil pinabura ng ex-gf ko, sana pwede pa marecover yung url na yun. nakakamiss to, ang dami ko din kasi nakilala dito eh may nakilala ko sa personal, meron sa chat at text, may nakainlaban din, hehe! nakakamiss magblog kahit hindi ako professional blogger at kahit hindi maayos ang structure ng sentence ko, mali mali man ang grammar eh masaya naman ako nagkukwento at kahit papano eh nakakatulong naman ang pagbablog para iexpress ang aking ideya at kung ano ano pa mga saloobin.
Minsan naiisip ko kung may nang-iistalk din kaya sa akin?
At baket ganun? kapag nalaman nila na in a relationship na yung tao eh hindi na kakausapin or kakaibiganin? nawawalan na ng interes? na para bang ang purpose mo lang talaga eh makahanap ng pag-ibig. ako naman eh kaya ako nandito dahil wala ako tunay na kaibigan sa real world, mas tinuturing ko pa totoong tao ang mga blogger, ang mga blogsite na sinusundan ko dahil nararamdaman ko na totoong tao sila kaya naman eh gusto ko din sana magkaroon ng circle of friends (ulet) dito sa mundo ng blog.
pwede ba kita maging kaibigan?


Posted at 08:17 am by dyeysi
May Reklamo Ka? (1)  

   

<< March 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed